Pabalita ng AWR-Center for Digital Evangelism, 110 ang Tumanggap kay HesuKristo
November 27, 2022 • in News & Events
Matapos ganapin ang pag-ebanghelyo sa Tawantawan, Baguio District, Davao City ng isang buong linggo, at sa iba’t ibang lugar ng distrito, may kabuoang 110 na mga indibidwal ang tumanggap kay Kristo sa pamamagitan ng pagbinyag.
Si Pr. Elexiz Mercado, Associate Director ng Adventist World Radio-Center for Digital Evangelism (AWR-CDE) ang nagsagawa ng pangangaral na may pamagat na, “May Pag-asa,” sa Tawantawan Gym, sa loob ng isang linggo, maliban sa isang araw na binaha ang barangay dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Ngunit ang hindi nakadalo sa gabi ng pagtitipon ay nag-aral ng Salita ng Panginoon sa kanilang bahay at ibang cottage meetings, na pinangasiwaan ng mag-asawang Bible teachers na sina Macario at Melinda Tuando, at sa pagtutulungan ng mga mananampalataya sa mga iglesya Adbentista ng Tawantawan, Wines, Cadalian, Calinan Central, Biao Joaquin, New Paradise, Dalagdag, Sicao, Kahusayan at Datu Tumonas na sila rin ang may bitbit na pagkain at alay na dasal sa bawat gabi ng pangangaral. Ang programa ay nasa ilalim ng gabay at pamumuno Pr. Ian Temperatura at Pr. Harold Saavedra, kasama ang buong pwersa pwersa nang HopeChannel Davao at AWR HopeRadio Davao, sa ilalim ni Mr. RhoenCatolico, ay lubos na nagagalak sa pagbabahagi ng musika, dalangin at pisikal ng suporta, harangin man ng baha at pigilan man ng iilan ang pagdalo ng mga seminarians.
Tinalakay ni Pr. Mercado ang mga temang: Ang Pabalita, Ang Pagkukulang, Ang Pagkabuhay, Ang Pagtubos, Ang Pagbabago, Ang Pagbabalik at Ang Panimula na hango sa kanyang “Tree Points Ministry” sa YouTube at Facebook. Napakadaling unawain ang kanyang mga mensahe dahil nakasentro lamang ang mga ito sa tatlong punto na magkapareho ang mga nasa unang letra na naaayon sa tema. Ito ang kinagigiliwang sistema ng mga mga kilalang tao sa Ka-Maynilaan sa pag-aaral nila sa Salita ng Dios kasama si Pastor Mercado.
Di masukat na pasasalamat ang ipinapaabot ng Davao Mission (DM) sa pamumuno ni Pr. Edwin Magdadaro, kasalukuyang Pangulo at ngayon ay nahirang bilang Executive Secretary sa Adventist Church headquarters sa buong Mindanao, sa pagdalaw ni Pr. Mercado kasama ang apat (4) na mga digital missionaries ng Adventist World Radio na sina James David mula sa Kenya, Jeziel Nuqui, Karah Krystal Benliro at Febe Ann Sumicad
Ang buod ng kwento, patuloy nating gamitin kung ano man ang nasa sa atin: talento, salapi, koneksyon, tiwala sa Dios at sarili, at marami pang iba.
“When God calls, He GUIDES, GENERATES and GIVES” at tayo naman ay tutugon ng “GO, GROW and GIVE”.
At sa gawaing ito, napatunayan na walang makakapigil sa mga salita ng Dios na ipamahagi sa buong mundo at sa Tawantawan, kasi kahit na may PAGBAHA, may PUMIPIGIL sa mga gustong sumunod kay Kristo, walang makakahadlang dahil “May PAG-ASA”, na walang ibang makapagbibigay kundi si HesuKristo. (DM Communication)
Leave a Reply